Wednesday, February 12, 2014

Magagandang Tanawin sa Pilipinas

Magagandang Tanawin sa Pilipinas

Talon ng Pagsanjan
Talaksan:Pagsanjan Falls.jpg

Ang Talon ng Pagsanjan, na nakikilala rin bilang Talon ng Magdapio, ay isa sa pinakabantog na mga talon sa Pilipinas. Matatagpuan ito salalawigan ng Laguna. Isa ito sa pinakapangunahing pang-akit na pangturismo sa rehiyon. Mararating ang talon sa pamamagitan ng paglalakbay sa ilog sa pamamagitan ng bangka magmula sa munisipalidad ng Pagsanjan. Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894. Ang bayan ng Pagsanjan ay nasa daluyan ng dalawang mga ilog, ang Ilog ng Balanac at ang Ilog ng Bumbungan (na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan).

http://tl.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Pagsanjan_Falls.jpg